Friday, June 27, 2008

KUNG SANA AY

[verse 1]
Nang una kang makita di' ka man lang tumitingin
('di ka rin umiimik)
Pero 'di inaasahan tayo ay magkatabi
(at di ka namamansin)


[ref 1]
Classmate kita at Sitmate
at tayo ay parating late
'di nagtagal naging txtmate,
at sa wakas nauwi sa date


[chorus]
Kung sana ay sinabi ko na aking nadarama
('di ka napunta sa kanya)

Kung sana ay nalaman mo na lihim na kay-tagal
('di ka nasaktan ng ganyan)


[verse 2]
Paglipas ng mga taon na tayo ay magkalayo
(Ngayon lang muli nagtagpo)
Balita ko ay Nars ka na patungo sa ibang bansa
(Paalam muli sayo)

[refrain 2]
Niyakap ako't sa kaba'y nanginig
Ilang Kataga'y lumabas sa bibig
Nagulat ako sa aking narinig
Pusang si Krung-krung nangisay sa kilig

[chorus 2]
Kung sana ay sinabi mo na iyong nadarama
('di ka napunta sa kanya)
Kung sana ay nalaman ko na lihim na kay-tagal
('di ka nasaktan ng ganyan)



This is my 2nd original composition...